December 14, 2015

A letter to ABS-CBN, GMA AND TV5

Hi! I hope mag make-time kayo to support your fellow voters para sa nalalapit na halalan. sana magkaroon kayo ng segment to get to know the politicians who will run for 2016.
Di ko alam kung may nag suggest na ba, if meron, ibig sabihin may need/ sense of urgency para sa idea na ito.
The idea is to ask the politicians to submit a 10 min video na nakalagay ang achievements nila bilang kung ano yung posisyon nila ngayon, tas another 10min video for their plans for the country. Tapos if possible (as in walang bias) ay gumawa kayo ng 10 min video din ng mga past issues or cases about them in a very informative manner lang. dapat walang ibang iniimply.
Yung 10mins per segment, suggestion lang pero advisable siguro na mas maraming time ang i-allot sa higher positions or ok lang din naman na mag focus na lang din sa president at vice pero mas ok kung kaya ang lahat.
This might be ambitious but we know you can.
you have enough resources at convincing capabilities para ma push ang ganitong klaseng idea.

At least sa ganitong paraan, hindi lang hearsay hearsay o di kaya ang pagiging good looking or pagiging matinik ang pangalan ang pagbabasehan ng mga Pilipino sa pag boto. atsaka at least alam niyo na you tried to educate us tungkol sa mga posibleng tao na iboboto namin.
I'm not sorry for taking your time but i am truly grateful that you read this.