October 01, 2013

Katok sa Kahoy

Una ako’y naghirap,
Ipasa ang aking mga asignatura.
Kaya anong sarap,
Na tres ay matanggap.

Tapos ako’y gumapang,
Thesis topic aking prinoblema.
Hinanap ko ito ng buong tapang,
Kaya naman ako’y mayroon na.

Outline naman ang sunod na kinaharap,
Araw-araw kong pinaglamayan.
Mga tulog na parang kurap,
Ngunit kinaya ko rin yan.

Ang manus na yan
Ang huling kinalaban ko,
Sa daming araw na nagdaan,
Natapos rin ako.

Oh gradweysyon, ikaw na nga
Ang nagpaiyak sa akin sa sobrang ligaya.


||iwantjo||